Aralin Bilang Animnapu't Anim: Kalusugan at Pag-e-ehersisyo

2015-08-12 17:26:09

Aralin Bilang Animnapu't Anim: Kalusugan at Pag-e-ehersisyo

你(nǐ)喜(xǐ)欢(huan)什(shén)么(me)运(yùn)动(dòng) 你(nǐ)会(huì)游(yóu)泳(yǒng)吗(ma)

Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

 

您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.

Sa leksyong ito, patuloy nating pag-aaralan ang mas maraming ekspresyon hinggil sa isports.

Unang pangungusap: “Ano ang gusto mong isport?”

你(nǐ)喜(xǐ)欢(huan)什(shén)么(me)运(yùn)动(dòng)?

你(nǐ), ikaw o mo.

喜(xǐ)欢(huan), gusto.

什(shén)么(me), ano.

Narito po ang unang usapan:

A: 你(nǐ)喜欢(xǐhuan)什么(shénme)运动(yùndòng)?Ano ang paborito mong isport?

B: 我(wǒ)喜欢(xǐhuan)踢(tī)足球(zúqiú)。你(nǐ)呢(ne)?Ang gusto ko ay paglalaro ng football. Ikaw, ano ang gusto mo?

B: 我(wǒ)喜(xǐ)欢(huan)游(yóu)泳(yǒng)。Paglangoy naman ang sa akin.


Susunod: Marunong ka bang lumangoy?

你(nǐ)会(huì)游(yóu)泳(yǒng)吗(ma)?

你(nǐ), ikaw o ka.

会(huì),  marunong, maaari o kaya. Sa wikang Tsino, ang会(huì) ay maaaring sundan ng isang pandiwa: ito'y nagpapakita ng animo'y kakayahan ng paggawa ng isang bagay.

游(yóu)泳(yǒng), lumangoy.

吗(ma), katagang pananong

Narito po ang ikalawang usapan:

A: 你(nǐ)会(huì)游泳(yóuyǒng)吗(ma)?Marunong kang lumangoy?

B: 我(wǒ)会(huì)游泳(yóuyǒng)。Oo, marunong akong lumangoy.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino