Rizal Day 2015 sa Beijing

2016-01-07 14:58:38

Either scripts and active content are not permitted to run or Adobe Flash Player version 11.4.0 or greater is not installed.

Get Adobe Flash Player

Rizal Day 2015 sa Beijing

Ipinagdiwang sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing kamakailan ang Rizal Day. Bilang pagpupugay nag-alay si Ambassador Erlinda Basilio kasama si Evangeline Ducrocq, Deputy Chief of Mission ng bulaklak sa rebulto ng pambansang bayani. Naging bahagi rin ng aktibidad ang pagbasa ng tulang Sa Kabataang Pilipino ni Jose Rizal.


Ang tula ay binasa ayon sa pagkakasunod sunod nina Ambassador Erlinda Basilio, Evengeline Ducroq, Lin Zhiyong Peking Unversity Student, Mac Ramos ng CRI, Arlyne Marasigan Beijing Normal University Graduate student, Vic Leviste Agricultural Counselor, Col. Nestor Herico Defense Attache, Malou de Guzman Second Secretary ng Pasuguan at Frank Olea Minister and Consul ng Pasuguan.

Ang tula ay isinulat ni Rizal sa edad na 18 taong gulang lamang habang estudyante sa UST. At ang orihinal na pamagat ng premyadong tula ay A La Juventud Filipina.

SA KABATAANG PILIPINO

Itaas ang iyong noong aliwalas
ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay
at dalhin mo roon sa kaitaasan.
Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw
na mga silahis ng agham at sining
mga Kabataan, hayo na't lagutin
ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Masdan ang putong na lubhang makinang
sa gitna ng dilim ay matitigan
maalam na kamay, may dakilang alay
sa nagdurusa mong bayang minamahal.
Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais
kagyat na lumipad sa tuktok ng langit
paghanapin mo ang malambing na tinig
doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.
Ikaw na ang himig ay lalong mairog
Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot
at mabisang lunas sa dusa't himuntok
ng puso at diwang sakbibi ng lungkot
Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan
matigas na bato'y mabibigyang-buhay
mapagbabago mo alaalang taglay
sa iyo'y nagiging walang kamatayan.
Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles
sa wika inamo ni Pebong kay rikit
sa isang kaputol na lonang maliit
ginuhit ang ganda at kulay ng langit.
Humayo ka ngayon, papagningasin mo
ang alab ng iyong isip at talino
maganda mong ngala'y ikalat sa mundo
at ipagsigawan ang dangal ng tao.
Araw na dakila ng ligaya't galak
magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas
purihin ang bayang sa iyo'y lumingap
at siyang nag-akay sa mabuting palad.


Sa episode na ito, pakinggan din ang pahayag ng ilang miyembro ng Philippine China Friendship Club na sina Rofel Nillos. Jordan Sy. Ashley Tan at Mary Gyen Chan hinggil sa kanilang mga di malilimutang aral mula kay Jose Rizal.


Ang buong panayam ay mapapakinggan din sa podcast, hanapin ang Kape't Tsaa at Ilike ang aming  Facebook page  na CRI Filipino Service .

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino