Perlita Pengson: Tips sa Parenting Abroad

2016-08-30 12:19:58

Hindi mo talaga hawak ang iyong tadhana. At isang halimbawa nito ang naging kapalaran ni Perlita Pengson sa Tsina. Dekada 90 nang anyayahan siya ng kanyang tita na dumalaw sa Beijing, Bukod sa magagandang tanawin ng Beijing, nakita rin niya ang lalaking kanyang makakasama habang-buhay. Sa madaling salita, bukod sa pag-ibig, sa Beijing na rin natagpuan  ni Perlita Pengson ang panibagong simula ng kanyang buhay. Dalawampung taon makalipas, ang pamilya Pengson ay binubuo na ngayon ng tatlong supling. Lahat ng mga anak nina Perlita at Ronel ay “Made in China.”

Hiniling ng CRI Filipino Service ang isang panayam kay Perlita Pengson upang hanapin ang sagot sa katanungang: Ano ang pinakamalaking hamon hinggil sa pagpapalaki ng mga anak ang pinagdaraanan ng mga magulang na  malayo sa tinubuang lupa?

Game si Perlitang umupo para sa panayam at kanyang ibinahagi ang Top 3 Struggles: una ang takot manganak sa Tsina noong 90s, ikalawa ang pagtuturo ng wika at ikatlo ang pagpapaunawa sa mga bata ng mga mahahalagang family values na iba sa mga Tsino.

Kung sa Tsina may mga tinatawag na “Tiger Mom” para kay Perlita mas gusto niyang tawaging “Eagle Mom” - matamang nagmamasid pero hinahayaan ang anak na kusang diskubrehin ang kanyang tunay na hangarin sa buhay.

Lahat ng ito ay ipinaliwanag ni Perlita Pengson sa panayam ni Mac Ramos, pakinggan ang buong interview sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino