Ma. Amelita C. Aquino, Consul General ng Pilipinas sa Chongqing

2014-04-23 17:06:22

Ma. Amelita C. Aquino, Consul General ng Pilipinas sa Chongqing

Si Ma. Amelita C. Aquino, Consul General ng Pilipinas sa Chongqing,Tsina

Ma. Amelita C. Aquino, Consul General ng Pilipinas sa Chongqing


 Sina Mac at ConGen. Amy Aquino

2008 binuksan ang Philippine Consulate General sa Chongqing, Tsina. Ang lunsod na ito ay di gaanong sikat sa mga Pilipino kung ikukumpara sa Shanghai o Beijing.  At noong panahong iyon, di pa aabot sa sampu ang mga bansang nagbubukas ng kunsulado sa Chongqing.


Pero sa loob ng humigit-kumulang 6 na taon, malaki ang natamong bunga ng konsulado para isulong ang pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mga Tsino  hinggil sa Pilipinas.


Dinalaw ng CRI Serbisyo Filipino ang Chongqing para kumustahin ang kalagayan ng  mga Pilipinong nagtratrabaho sa lunsod na ito. At  sa tulong ni Ma. Amelita C. Aquino, Consul General ng Pilipinas sa Chongqing, ipinakilala niya ang lugar at ang takbo ng ugnayan nito sa Pilipinas.


Malapit sa puso ni ConGen Aquino ang Chongqing dahil ito ang kauna-unahang posting na kanyang pinamunuan. Saklaw niya ang Yunan at Guizhou. Bagamat ilang daan laman ang bilang ng mga Pinoy sa bahaging ito ng Tsina, malapit at maganda ang ugnayan ng kunsalado sa mga OFWs.


Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos kay ConGen Amelita C. Aquino sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Kung gamit ay desktop siguruhing ito'y may pinakabagong bersyon ng Flash player. Kung tablet at smartphone ang gamit, mapapakinggan ang programa sa pamamagitan ng Podcast ng Kape't Tsaa.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino