Ferdinand Miguel : Mga Hamon ng ESL Teacher

2014-05-13 15:19:57

Ferdinand Miguel :  Mga Hamon ng ESL Teacher


27 taong gulang si Ferdinand Miguel nang magdesisyon siyang subukin ang pagtuturo sa ibang bansa. Ingles ang asignatura at bitbit niya ang ilang taong karanasan bilang propesor sa unibersidad.  Pero sa bagong trabaho di naging sapat ang  mga kaalamang ito.


Sa kanyang pagsisimula bilang ESL Teacher sa Owen Foreign Language School sa Chongqing Tsina di umubra ang istilo niya sa pagtuturo. Di rin siya nagustuhan ng mga estudyanteng Tsino.


Sa programang Mga Pinoy sa Tsina, alamin mula kay Ferdinand Miguel kung paano niya  natutunan ang epektibong paraan para magtagumpay bilang ESL Teacher. Alamin din kung ano ang naiambag niyang iba pang skills o kakayahan bukod sa pagtuturo na naging susi para tumagal siya sa Owen Foreign Language School at maging bahagi sa pag-unlad nito di lang sa Chongqing kundi sa karatig lunsod ng Chengdu at Kunming.


Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos kay Ferdinand Miguel sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Kung gamit ay desktop siguruhing ito'y may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Kung tablet at smartphone ang gamit, mapapakinggan ang programa sa pamamagitan ng Podcast hanapin lang ang Kape't Tsaa.

Ferdinand Miguel :  Mga Hamon ng ESL Teacher

Pagkakataon para maghilom ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon si Ferdinand Miguel na magturo ng Ingles sa Chongqing

Ferdinand Miguel :  Mga Hamon ng ESL Teacher

Ferdinand Miguel :  Mga Hamon ng ESL Teacher

Ilan sa mga estudyanteng Tsino na masayang nag-aaral ng wikang Ingles kasama ang kanilang guro na si Ferdinand Miguel


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino