SM Chongqing : “We've Got It All”

2014-05-20 16:20:16

SM Chongqing : “We've Got It All”


Si Frances Giselle Ng, SM Regional Operations Manager


Nagsimula sa isang tindahan ng sapatos sa Maynila noong 1958 ang ngayo'y itinuturing na pinakatinatangkilik na mall sa Pilipinas. Ito ang SM Malls. 


Ngayong 2014 isa-isang bubuksan ang mga bagong SM Malls sa Cauayan at Angona, at pasisinayaan na rin ang SMX Center sa Bacolod. Para sa mga Pilipino ang SM ay lugar kung saan pwedeng mabili ang lahat ng kailangan mo sa murang halaga.

SM Chongqing : “We've Got It All”

Sina Alex Ai, SM Marketing Manager, Ernest Wang at Mac Ramos ng CRI, Lolita Balansag ng Konsulada ng Pilipinas sa Chongqing at si Frances Giselle Ng (kanang dulo) SM Regional Operations Manager

Sa Tsina, unti-unti na ring lumalago ang operasyon ng SM Prime Holdings Inc. Target ng kumpanyang mula sa 5 kasalukuyang malls na bukas, magiging 11 ito sa loob ng 5 taon.


Mahigit isang taon nang bukas ang SM City Chongqing at  pagpasok sa loob ng mall, di malayo ang pakiramdam sa mga SM Malls sa Pilipinas. Ibinahagi ni Frances Giselle Ng, Regional Operations Manager ang mga business principles na siyang susi sa patuloy na tagumpay ng SM sa Tsina.


Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Kung gamit ay desktop siguruhing ito'y may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Kung tablet at smartphone ang gamit, mapapakinggan ang programa sa pamamagitan ng Podcast hanapin lang ang Kape't Tsaa.


SM Chongqing : “We've Got It All”

Sinehan sa loob ng SM na may modernong pasilidad

SM Chongqing : “We've Got It All”


Gaya ng mga SM Malls sa Pilipinas, ang SM City sa Chongqing ay may department store rin

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino