Pacita Juan: Social Entrepreneur at Tagasulong ng Lakas ng mga Kababaihan sa Ekonomiya

2014-05-27 16:43:57

Pacita Juan: Social Entrepreneur at Tagasulong ng Lakas ng mga Kababaihan sa Ekonomiya

Si Pacita Juan ( kaliwa) kasama ang buong delegasyon ng Pilipinas sa 2014 APEC Women and the Economy.

Last week  ginanap dito sa Beijing ang  2014 APEC Women and the Economy Forum. Dumalo dito ang delegasyon mula sa Pilipinas.  At ang delegasyong ito ay binubuo ng mga opisyal ng pamahalaan at mga kinatawan ng business sector at lahat sila ay mga kababaihan.


Hangaring ng 2014 APEC Women and the Economy  Forum na kilalanin ang lakas ng mga kababaihan sa sektor ng ekonomiya,  at buwagin ang mga balakid para sa lubusang magkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan sa Asya Pasipiko na maging aktibo pagdating sa negosyo at kalakalan.

Pacita Juan: Social Entrepreneur at Tagasulong ng Lakas ng mga Kababaihan sa Ekonomiya

Si Pacita Juan

Walang iba kundi si Usec. Nora Terrado ng Department of Trade and Industry ang Delegation Head kasama sina Pacita Juan iginagalang na social entrepreneur, Monette Iturralde-Hamlin, Pangulo ng TeamAsia, Aurora Garcia, Pangulo ng Ciba Capital Philippines at Gilda Patricia Maquilan ng Coca Cola.


Sa larangan ng negosyo, isang sangay ng social entrepreneurship. Hindi kita, bagkus layunin ng isang social entrepreneur na tugunan ang mga suliraning panlipunan at pabutihin ang lagay ng pamumuhay ng mga tao.

Pacita Juan: Social Entrepreneur at Tagasulong ng Lakas ng mga Kababaihan sa Ekonomiya

Nakilala sa taguring ito si Pacita Juan. Siya ay mula sa pamilya ng mga negosyante at ilan sa kanyang mga matagumpay ng negosyo ay ang Figaro, Binalot  at ang EchoStore.


Sa kasalukuyan si Bb. Juan ay aktibong kinatawan ng Women's Business Council, International Women's Coffee Alliance at Women Corporate Directors… lahat nagsusulong ng interes ng mga kababaihan.


Bilang bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sa 2014 APEC Women and the Economy  Forum na ginanap mula ika 21 hanggang ika 23 ng Mayo sa Beijing, inalam ng Mga Pinoy sa Tsina  ang mga mahalagang usapin na inilatag ni Pacita Juan sa porum bilang kinatawan ng Pilipinas.  Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos sa latest episode ng Mga Pinoy sa Tsina.


Para mapakinggan ang programang Mga Pinoy Sa Tsina sa desktop, gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito. Sa mga smartphones at tablet i-download ang Podcast ng Kape't Tsaa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino