Bullet train mula Beijing patungong Xiamen, isasaoperasyon

2014-06-26 15:16:25

Para sa mga laging nagbibiyahe o nais bumisita sa Guangzhou o Timog ng Tsina, mayroon na pong bagong alternatibo sa pagsakay ng eroplano. Nakatakdang magsimula ang operasyon ng linya ng bullet train mula Beijing patungong Xiamen sa unang araw ng Hulyo 2014. Ang tren na may numerong G165 ay lilisan mula sa Beijing South Railway Station, sa ganap na alas otso kuwarent 'y singko (8:45) ng umaga sa July 1: ito ay darating sa Xiamen, alas nuwebe 'y treinta ng gabi (9:30).  

Ang 1,700 kilometrong biyahe, na tatagal ng mahigit 12 oras, ay dadaan sa mga istasyon sa mga lunsod ng Jinan, Nanjing, Shanghai, Wenzhou, at Fuzhou. Samantala, magsisimula naman sa July 2, 2014 ang biyahe mula Xiamen patungong Beijing. Ang tren na may numerong G166, na bibiyahe mula Xiamen patungong Beijing ay aalis, alas siyete singkuwenta 'y tres ng umaga (7:53): ito ay darating ng Beijing alas otso treinta 'y singko ng gabi (8:35).

Ang presyo ng ticket ay nasa mahigit 2,500 RMB para sa business class, mahigit 1,200 RMB para sa first class, at mahigit 800 RMB para sa second class.

Kung ating ikukumpara, ang pinakamurang direct flight mula Beijing patungong Xiamen ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang 1,000 RMB. Ito ay tatagal ng 2 oras at 50 minutos.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino