Consul General Raly Tejada: Labor issues sa Guangzhou

2015-05-20 16:43:27

Consul General Raly Tejada:  Labor issues sa Guangzhou


Aktibong partner ng iba't ibang mga organisasyon sa Guangzhou ang Konsulado ng Pilipinas na pinamumunuan sa kasalukuyan ni Consul General Raly Tejada.  Bukod sa Guangzhou saklaw ng kanyang tanggapan ang mga karatig lunsod tulad ng Shenzhen at mga lalawigan sa timog ng Tsina tulad ng Hainan.  Bilang maasahang katuwang ng Filipino community, ang suporta at pagtataguyod ng kondulado ay susi rin sa tagumpay at pagpapatuloy ng isang aktibidad.

Tuwing Mayo, isang liga ang inaabangan sa Guangzhou. Ito'y limang taon nang ginaganap at isang proyekto ng Filipino Teachers Association. Ibinahagi ni Consul General Tejada na todo suporta ang kanyang tanggapan sa May Palaro sa Guangzhou 2015, “It's simething we supported because it strengthens the community in Guangzhou. Once a year we show to the community that there's a venue  to network, to play games. Basically (just) to have fun.”

Ang buwan ng Mayo ay buwan para sa mga manggagawa. Di maitatanggi na sa kasalukuyan parami nang parami ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa Tsina.  Samu't saring larangan at iba't ibang mga propesyon.  Mesahe ni Ginoong Tejada sa mga OFWs “You are ambassadors in your own right.  Please show your best. Always talk well about your country. Always uplift yourself and your countrymen.” 

Disyembre noong isang taon, sa Ningbo Airport ng Tsina,  isang Pinoy ang nahuli  ng mga awtoridad na nagtatangkang magpuslit ng limang kilo ng shabu papuntang Malaysia. At kamakailan muling natuon ang pansin ng komunidad sa isyu ng mga Pilipino drug mules  dahil sa kaso ni Mary Jane Veloso - Pilipinong napiit sa death row sa Indonesia.  Sa panayam ng Mga Pinoy sa Tsina kay ConGen Tejada  natalakay  ang isyung ito at inaming may mga Pilipinong nakapiit sa Tsina dahil sa kaso ng droga. At iginiit na inaasikaso nila ang mga kasong ito, “Hindi natutulog ang konsulado, ang gobyerno. We do our best that their legitimate rights are protected. 

Kanya ring ipinagdiinang sumailalim sa tamang proseso na itinalaga ng pamahalaan ng Pilipinas para sa mga mangagawang nangingibang bayan at ipinaalala ang kahalagahan ng pagsunod sa batas ng bansang pagtatrabahuan.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Consul General Raly Tejada sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino