Batua Brothers at kanilang tahimik na pamumuhay Guangzhou

2015-06-08 17:33:18 CRI

Sa magkakapatid na Batua, naunang dumating ng Tsina si Al Batua noong 2001. Siya ay kasalukuyang Chief Designer sa isang  architectural firm sa Guangzhou. Matapos ang tatlong taon sumunod ang nakababatang kapatid na si Archie at pumasok sa isang foreign trading company. Ngayon isa na siyang negosyante at may-ari ng cargo company. At ang pinakabunso naman na si Tam ay sumunod sa kanyang mga kuya matapos magtapos at ngayon ay isang designer, English book author at entrepreneur.

Sa kanilang halos labinlimang taong paninirahan sa Guangzhou, isang salita ang naglarawan sa kanilang pamumuhay sa lunsod : Tahimik.  Ani Archie Batua, mababa ang crime rate at mahigpit na ipinatutupad ang batas sa lunsod.

Isa ang Guangzhou sa pinaka-maunlad na lunsod sa Tsina. Taguri rito ay manufacturing hub. Mabilis itong nagbabago kaya sa larangang kinabibilangan ni Al Batua,  malaki ang nai-aambag ng kanyang mga makabagong ideya. Pero di niya itinanggi na malaki ang epekto ng real estate slump at humina ang negosyo ng paggawa ng mga bahay.

Pero sa kaso ni Tam Batua, napaka-competitive at very in-demand naman ang mga designers. Payo niya sa mga Pinoy na nais pasukin ang trabahong ito, “Huwag laging sumunod sa gusto ng kliyente. Matuto kayong igiit ang mga bagong ideya. Huwag na lang copy ng copy.”

Ibinahagi rin ni Archie Batua ang bentahe ng mga Pinoy OFWs, “Madali tayong maka-gets.We act on our own. We have initiative.” 

Tatlong magkakapatid na may mahabang karanasan sa tatlong magkakaibang larangan.  Alamin ang ibang pang payo ng magkakapatid para maging matagumpay sa Guangzhou, pakinggan ang panayam sa kanila ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Si Archie Batua

Si Archie Batua

Si Al Batua

Si Al Batua

Si Tam Batua

Si Tam Batua

Si Mac Ramos, kasama ang Batua brothers

Si Mac Ramos, kasama ang Batua brothers

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino