Floyd Ricafrente : Buhay at Himig ng Circus

2015-08-26 13:00:00 CRI

Floyd Ricafrente : Buhay at Himig ng Circus

Floyd Ricafrente : Buhay at Himig ng Circus

Floyd Ricafrente : Buhay at Himig ng Circus

Bukod sa pagiging Musical Director ng Chimelong International Circus, si Floyd Ricafrente ay isa ring propesyonal na payaso o clown.

Bukod sa pagiging Musical Director ng Chimelong International Circus, si Floyd Ricafrente ay isa ring propesyonal na payaso o clown.


“To be a leader, you need to be a good listener. “ Ito ang motto ni Floyd Ricafrente sa kanyang  bagong posisyon bilang Musical Director ng Zhuhai Chimelong International Circus.  Sa circus na ito, katrabaho niya ang iba't ibang lahi. Isang hamon ang pagkakaiba sa ideya ng pagtatanghal. Minsan ugat ng away ang ibang kultura at ugali sa loob at labas ng kanilang show.  Ani Floyd, kailangan niyang pakinggan lahat ng mungkahi at pag-isipan kung ano ang makabubuti para sa kanilang mga palabas.

Siyam na taon nang nagtatrabaho sa larangang ito si Floyd,  malayo na ang kanyang narating mula sa pagiging miyembro ng marching band ng Chimelong Amusement Park sa lunsod ng Guangzhou, sa lalawigan ng  Guangdong sa Tsina.  Ngayon dahil sa kanyang promotion, kinailangan niyang lumisan ng Guangzhou para simulan ang bagong pahina sa kanyang karera sa lunsod naman ng Zhuhai, isang oras ang layo kung sasakay ng speed train mula sa Guangzhou.

Sa bagong trabaho,  mas marami siyang “say” sa takbo ng palabas. Mas masusubok ang kanyang kakayahan sa paglikha ng musika at higit sa lahat mas masaya siya dahil sa mas malaking “creative freedom.”   150 ang mga circus artists na kanyang katrabaho araw-araw  at 16 sa mga ito ay mga musikerong Pilipino.

Sa panayam ibinahagi niya ang lagay ng Chimelong sa pag-usbong ng mga bagong amusement parks sa Tsina, particular ang inaabangang pagbubukas ng Disneyland sa Shanghai, sinabi niyang  dapat tingnan ito bilang isang kolaborasyon na magpapasulong sa timog Tsina. Di padadaig ang Chimelong dahil dito makikita ang pinakamalaking aquarium at award winning circus. Aniya pa, kumpleto ang pasilidad ng Chimelong at tiyak na kagigiliwan ito ng lahat ng miyembro ng pamilya.  Kaya walang kakabakaba ang UST Alumnus at dating miyembro ng Manila Philharmonic Orchestra, dudumugin pa rin ang kanyang amusement park ng mga bakasyunista.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Floyd Ricafrente sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino