Gilbert Unica: Usapang Visa at Pamumuhay ng mga Pinoy sa Kunming

2015-08-19 18:01:06

Ang Kunming ay kabisera ng lalawigang Yunnan na makikita sa timog kanluran ng Tsina. Ang lalawigan ay malapit sa ilang bansang Southeast Asian. Ang Kunming ay isang transportation hub patungo sa Vietnam, Myanmar at Laos.

Pagdating sa kalakalan ang Kunming ay sentro ng Greater Mekong Subregion o GMS. Binubuo ito ng mga bansang Tsina, Myanmar, Thailand, Cambodia at Vietnam.  Mahalaga ang papel ng GMS lalo na sa pagpapasulong ng ASEAN Free Trade Area. Sa mabilis na pag-unlad ng Kunming, resulta nito ay ang pagdami rin ng mga oportunidad para sa mga Pilipino.

Filipino Community sa Kunming

Filipino Community sa Kunming

Nitong Hunyo dumalaw ang crew ng MPST sa Kunming at naki-isa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng dinaluhan ng Filipino Community mula sa Kunming, Lijiang at iba pang karatig na lunsod. Bukod dito isinagawa rin ng Kunsulado ng Pilipinas sa Chongqing - na siyang namamahala sa Kunming, ang outreach program para sa mga kababayan natin doon.

Si Gilbert Unica

Si Gilbert Unica

Dito nakilala ng inyong lingkod si Gilbert Unica, convenor ng Filipino Community at sampung taon nang nakatira sa Tsina.  Ibinahagi niya ang kanyang mga saloobin pangunahin na hinggil sa  mga pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Kunming. Patuloy ang demand para sa English teachers at pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino na magturo nito.  May ilang concerns ding ikinuwento si Gilbert hinggil sa visa. At kanyang masayang ibinahagi ang ginhawa ng pagkakaroon ng magandang turingan sa mga diplomatang Pilipino na nakatalaga sa Konsulado ng Chongqing na siyang namamahala sa mga taga Kunming. Natalakay din ang ilang insidente kung saan tumulong ang Filipino Community ng Kunming sa mga nangangailangang kababayan. 

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Gilbert Unica sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino