Jocelyn Barredo: Management tips at Work Efficiency sa Garments Industry

2015-04-08 15:50:46

Either scripts and active content are not permitted to run or Adobe Flash Player version 11.4.0 or greater is not installed.

Get Adobe Flash Player

 


Si Jocelyn Barredo ay  10 taon nang nagtatrabaho sa Tsina at ang kanyang field of expertise ay garments.  Kasalukuyan siya ay Assistant Merchandising Manager sa isang malaking garments factory sa Beilun District, Ningbo City na makikita sa lalawigang Zhejiang. Pinakamalaking kliyente nila ang Puma Lifestyle.


Sa panayam naikwento niya ang kanyang mga karanasan sa sektor na ito. Naikumpara niya ang buhay sa Shanghai at ang kasalukuyang kalagayan sa Beilun.  Kung noon sa Shanghai 8:00am to 12midnight ang karaniwang inilalagi niya sa opisina, ngayon striktong 8:00am to 5pm ang kanyang work hours. Polisiya kasi ng opisina na dapat tapusin ang lahat sa takdang oras, walang overtime nang sa gayon ay may sigla ang mga empleyado kinabukasan. 


Naikwento rin ni Jo Barredo  ang mga magagandang management practices na kanyang hinangaan sa  factory na pinapasukan niya tulad ng pagbibigay ng magandang benepisyo para sa mga lokal na manggagawa nito. Kabilang ang libreng tirahan, pagkain at transportasyon sa panahon ng national holidays.


Sa interbyu ating nalaman ang bentahe ng tatak na “Made in China” at kung bakit maraming mga global brands ang nagtitiwala sa factories ng Tsina. At syempre hindi mawawala ang ilang words of wisdom mula kay Jo para sa  mga tagapakining  na OFWs  na hangad ay  magtagumpay rin sa kani-kanilang mga trabaho.


Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.  Sa inyong computer, hintaying bumukas ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Sa smartphones pakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa.  Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.


Jocelyn Barredo: Management tips at Work Efficiency sa Garments Industry

Jocelyn Barredo: Management tips at Work Efficiency sa Garments Industry

Si Jocelyn Barredo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino