Sarap Buhay Group sa Sanya: “Hindi Pa Tapos ang Laban”

2014-07-22 17:04:46

Sarap Buhay Group sa Sanya: “Hindi Pa Tapos ang Laban”

Isa sa di malilimutang tagpo nina Roger at Belen Cataneda ang makitang harapang ang iniidolong artista na si Jackie Chan, na minsang pumasyal sa tinutugtugang hotel sa Sanya.


Sarap Buhay Group sa Sanya: “Hindi Pa Tapos ang Laban”


 Ilang miyembro ng SGB na walang pagdadamot na tumutulong sa kapwa Pilipino sa Tsina, patunay na kanilang isinasabuhay ang ugaling Pinoy na bayanihan kahit nasaan. 

Sarap Buhay Group sa Sanya: “Hindi Pa Tapos ang Laban”

Sina Roger at Belen Castaneda, mga lider ng SBG


Iba-iba ang kapalaran ng bawat Pilipinong nangangahas mangibang bayan para magtrabaho. Marami ang nagtatagumpay at marami rin ang nabibigo.


Kapag nasa abroad sino pa ba ang magtutulungan kundi ang magkababayan. Ito ang paniniwala ng mag-asawang Roger at Belen Castañeda. 1999 tumulak papuntang Tsina ang mag-asawang mang-aawit para magtrabaho sa Shenzhen. Sa kanilang halos limang taong pamamalagi sa Shenzhen, nakasalamuha nila ang mga OFW na biktima ng illegal recruitment o kaya'y nagkaproblema sa kumpanyang pinapasukan.  Dito nabuo ang Sarap Buhay Group o SGB.


Ani ng mag asawa na pitong taong nang nagtatrabaho sa isla, ang Sanya ay tinaguriang Hawaii ng Tsina. Ito ay sikat na bakasyunan di lamang ng mga Tsino kundi pati mga dayuhan tulad ng  Ruso at Koreano.  Mula Shenzhen, ipinagpatuloy ng mag-asawa ang mga gawain ng SGB sa Sanya. Kung noon umabot sa 30 ang bilang ng mga Pinoy na namumroblema sa kanilang mga dokumento, sa Sanya malaki ang kaginhawaan ng mag-asawa dahil karamihan sa mga OFWs dito ay may legal ng visa at maayos na kontrata. 


Napakamakulay ng  mga  karansan ni Roger habang  malayo sa ating bansa. At ito ay isinasalaysay niya sa pamamagitan ng mga orihinal na kumposisyon. Ibinahagi ng Tagapagtatag at Pangulo ng SGB ang dalawa sa kanyang mga kanta. Una ang Hindi pa Tapos ang Laban na alay niya sa pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Ang ikalawa ay handog niya sa mga kababaihang iniwan ang pamilya para magtrabaho sa ibayong dagat.


Kung papalarin, hangad nila Roger at Belen Castañeda na magpatuloy pa sa kanilang pag-awit at pagbibigay saya sa mga bisita ng Sanya. Hangga't may lakas, patuloy din ang SGB sa pagtulong at paggabay sa kapwa mga OFW, na tulad din nila ay nangingibang bayan,  para tupdin ang mga pangarap dito sa Tsina.


Ang buong panayam ay mapapakinggan sa iTunes PODCAST na Kape't Tsaa. Para sa iba pang episode ng Mga Pinoy sa Tsina, punta na sa website ng  filipino.cri.cn.  sa Facebook, i-Like ang  CRI Filipino Service para makuha ang mga updates hinggil sa iba't ibang mga programa.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino