Paskong Pinoy sa Sanya: Sarap Buhay Group

2014-12-31 14:15:17 CRI

Tampok sa New Year;s Special ng Mga Pinoy sa Tsina  ang  duo nila Roger at Bing Castaneda na  naka base sa Sanya,  island paradise na makikita sa lalawigang Hainan ng Tsina.  Sila ay tumutugtog sa HNA Resort.  Si  Roger Castaneda  ang kasalukuyang Pangulo ng Sarap Buhay Group o SBG-Sanya .   Ang SBG ay isang grupo na binubuo ng mga OFWs,  karamihan sa kanila ay mga entertainers.

Sa naunang panayam ng Mga Pinoy sa Tsina sa mag-asawang singers, ibinahagi nila ang  walang kaparis na samahan ng SBG na subok na subok na sa tibay.  Napakaming mga pagkakataon na kailangan nilang kanlungin ang mga kababayang  nagkakaproblema sa employer at visa. Ang kanilang tahanan sa Sanya ay bukas sa mga Pilipino na nangungulila sa pamilya, problemado sa trabaho o kaya ay may mga pasanin sa buhay at naghahanap ng karamay.  Pero ngayong kapaskuhan,  syempre tambayan at party place ito ng mga OFWs na nasa Sanya.

Sa programa mapapakinggan ang dalawang orihinal na komposisyon ni Roger Castaneda. Angkop ang mga awiting ito dahil sa positibong mensahe na makapagbibigay inspirasyon lalo na sa pagpasok ng bagong taon.   Para mapakinggan ang  OPM ni Roger Castaneda na Hindi Pa Tapos ang Laban at Ulirang Ina,  pakinggan ang buong episode ng Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.

Ilang mga miyembro ng SBG sa Sanya

Ilang mga miyembro ng SBG sa Sanya

Sina Bing at Roger Castaneda

Sina Bing at Roger Castaneda

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino