Consul General Wilfredo Cuyugan, lubos na ikinagagalak ang magandang kalagayan ng ugnayang Pilipino-Sino

2017-07-03 18:46:49

Si Consul General Wilfredo Cuyugan ng Pilipinas sa Shanghai

Si Consul General Wilfredo Cuyugan ng Pilipinas sa Shanghai


Sa ekslusibong panayam ng Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ni Consul General Wilfredo Cuyugan  na mula Mayo 2016 nang mahalal si Pangulong Rodrigo Duterte, di maikakaila ang pagbuti ng relasyong Pilipino-Sino.


Mas lumaki ang interes di lamang ng pamahalaan, kundi ang pribadong sektor din ay nagpakita ng panibagong sigla matapos maibalik sa normal ang relasyon ng dalawang bansa. 


Dadag pa ni ConGen Cuyugan, ang One Belt, One Road (OBOR) Initiative ng isinusulong ng Tsina  ay isang napakagaling na plano na maguugnay sa pandaigdigang ekonomiya, pangkaunlarang mga proyekto  na higit  60 bansa sa Asya, Europa at Africa. 


Aniya pa,  sa tulong ng OBOR ay magkakaroon  ng konektibidad ang Pilipinas at Tsina, maging sa Europa. Angkop din ito sa programang pang imprastruktura ng  Administrasyong Duterte. 


Ang kanyang mga pahayag hinggil sa masiglang kalakalan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, maging ang maraming mga programa na magsusulong nang mabuting ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay mapapakinggan ng buo sa programang Mga Pinoy sa Tsina. 


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino