Abra, lumahok sa Ika-21 Shanghai International Film Festival, Nominado sa Asian New Talent Award

2018-07-12 15:38:37

Dumalo ang sikat na rapper at 2018 Gawad Urian Best Actor na si Abra sa Ika-21 Shanghai International Film Festival (SIFF). "Unang pagdalaw ko sa Tsina at nakakataba ng puso na maanyayahan ako dito para sa napakaprestiyosong Shanghai International Film Festival. I'm in shock." Pahayag ni Abra, bida ng pelikulang Respeto.

Si Abra, bida ng pelikulang Respeto

Si Abra, bida ng pelikulang Respeto

Ang Respeto ay nominado para sa Best Director at Best Actor sa Asian New Talent Award.

Sina Treb Monteras at Abra. Makikita sa likuran ang mga poster ng pelikulang kalahok sa Asian New Talent Award, kabilang ang Respeto (gitna itaas).

Sina Treb Monteras at Abra. Makikita sa likuran ang mga poster ng pelikulang kalahok sa Asian New Talent Award, kabilang ang Respeto (gitna itaas).

Malaki ang interes ng publikong Tsino sa hip hop ngayon. Ano sa palagay niya ang matututunan ng mga hip hop at rap fans na Tsino matapos mapanood ang Respeto? Tugon ni Abra, "Hip hop knows no boundaries. It's a form of expression through elements like rap, breakdancing, DJing (and) graffiti art. Kaya ako bilang isang rapper na galing sa Pilipinas at makarating sa ganitong klaseng international festival siguro maipapakita natin na kung minamahal mo ang ginawaga mo, makakarating ka sa mga lugar na di mo inaasahang marating."

Abra, lumahok sa Ika-21 Shanghai International Film Festival, Nominado sa Asian New Talent Award

Hangad niyang sa pamamagitan ng Respeto makita ng mga manonood na Tsino ang sitwasyon sa Pilipinas. Paliwanag niya maraming problema ang bansa at ang rap ay isang mainam na paraan para makakita ng refuge. Aniya pa, "Kahit nasa slums ka, may paraan para makatakas ka at mahanap ang kasiyahan sa tulong ng sining. Nagkataon na sobrang rap country ng Pilipinas. Buhay na buhay ang kultura sa Pilipinas at isa 'yon sa mga paraan para ilahad ang saloobin, para maibsan ang mga hinaing mo at may masabi kang mensahe at posibleng marinig ng ibang tao dahil ito nga ang pinakikinggan sa Pinas na medium. Ang rap ay tool for the betterment of mankind."

Si Abra habang kinakapanayam ni Mac Ramos ng Serbisyo Filipino ng CRI

Si Abra habang kinakapanayam ni Mac Ramos ng Serbisyo Filipino ng CRI

Marami pang ibinahagi ang batang aktor hinggil sa kanyang bagong tuklas na sining alamin ang mga ito sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino