United Architects of the Philippines—Shanghai Chapter

2018-08-22 16:02:59

Ang episode ngayong linggo ng Mga Pinoy sa Tsina ay tungkol sa isang professional group ng mga arkitekto. Matapos makuha ang approval ng UAP National Board of Directors noong October 14, 2014, sa pamumuno ni Ar. Cyrses Coniejos, unang pangulo ng UAP Shanghai Chapter, kabilang ang 32 miyembro na sumasaklaw sa larangan ng landscape,urban planning, interior at architectural design, opisyal na naitatag ang chartering ng  UAP Shanghai Chapter noong Marso 21, 2015. Kasapi rito ang mga Pilipinong arkitekto na mula sa Shanghai, Beijing, Chongqing, Hangzhou at Xiamen.

Sina Alex de Dios  (kaliwa) at Edgardo Budoy (kanan), Pangulo ng Shanghai chapter ng United Architects of the Philippines

Sina Alex de Dios (kaliwa) at Edgardo Budoy (kanan), Pangulo ng Shanghai chapter ng United Architects of the Philippines

Si Architect Edgardo Budoy ang kasalukuyang Pangulo ng Shanghai Chapter ng United Architects of the Philippines.

Ilan sa layunin ng grupo ang patuloy na pagpapaibayo ng propesyon at pagsusulong ng mga aktibidad na magpapataas sa kakayahan ng mga arkitekto.

Kabilang dito ang Knowledge Sharing, Talks, pagsali sa mga symposium at exhibition design convention na itinataguyod ng mga professional organizations sa mainland China.

Mga miyembro ng UAP——Shanghai Chapter

Mga miyembro ng UAP——Shanghai Chapter

Sa programang Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ni Arch. Budoy kasama si  Arch. Alex de Dios, isa sa mga Directors,   ang mga pinakahuling aktibidad ng  samahan.  Naikuwento rin ni Arch. de Dios  ang  bentahe ng pagiging miyembro ng UAP sa Tsina lalo pa't lumipat siya ng trabaho mula Beijing at ngayon ay muling nakabase sa Shanghai. 

Chartering Anniversary Celebration ng UAP-Shanghai noong Marso 2018

Chartering Anniversary Celebration ng UAP-Shanghai noong Marso 2018

Bukod dito, ibinahagi rin ng dalawang arkitekto ang kanilang mga palagay hinggil sa pagbabago at pagbubukas sa labas ng Tsina, kung saan katuwang sa mga adhikaing pangkaunlaran ng bansa ang mga tulad nilang arkitekto.  Ang mga detalye ay mapapakinggan sa Mga Pinoy sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino