Kennith Dillena, PhD. Scholar sa Shanghai University

2018-12-29 18:02:04

Dalawang taon na sa Shanghai si Kennith Dillena. Isa siya sa iilang Pinoy recipient ng China Government Scholarship para sa taong 2016. Si Kennith ay kumukuha ng Doctorate in Sociology sa Shanghai University -College of Political Science and Sociology. Aniya, sa larangan ng sosyolohiya, isa ang Shanghai University sa mga nangunguna sa mundo, kaya pinili niyang dito isagawa ang pagpapakadalubhasa. Bago pumunta sa Tsina, si Kennith ay faculty sa De La Salle University. Sa episode ng Mga Pinoy sa Tsina ibinahagi niya ang damdamin ng solong estudyanteng Pinoy sa napakalaking prestiyosong pamantasan sa lunsod na tinaguriang financial hub ng Tsina. Bukod dito pinulsuhan ni Kennith ang Belt and Road Initiative na isinusulong ng Tsina maging ang hangarin nito para sa isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.

Si Kennith Dillena

Si Kennith Dillena


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino