PhilCham Shanghai, isusulong ang Pinoy entrepreneurial spirit

2019-01-25 18:13:10

Idinaos sa Shanghai nitong Enero 19 ang inaugural event ng Philippine Chamber of Business and Professionals - Shanghai o PhilCham Shanghai.

Mga dumalo sa launching event ng PhilCham Shanghai

Mga dumalo sa launching event ng PhilCham Shanghai

Kasapi sa grupo ang mga Pilipinong negosyante, expat, professionals at entrepreneurs sa Shanghai. Sa temang Bridging Businesses, Capitalizing Growth, inanyayahan ng founders sa inagural event ng PhilCham ang mga eksperto upang maglahad ng kaalaman, karanasan at inspirasyon sa mga taong nais na magtagumpay sa negosyo.

Ang working committee ng PhilCham Shanghai, mula kaliwa: Michelle Nocom (founder), Eric So (founding member), Raquel So (founding member), Carol Ong (founder), Jun Gonzales (founding member), Geoff Lim (founding member), Joe Santiago (founder)

Ang working committee ng PhilCham Shanghai, mula kaliwa: Michelle Nocom (founder), Eric So (founding member), Raquel So (founding member), Carol Ong (founder), Jun Gonzales (founding member), Geoff Lim (founding member), Joe Santiago (founder)

Sinabi ni Carol Ong, founder ng PhilCham, hindi basta basta ang pagbuo ng ganitong grupo. Pero ayon kay Michelle Nocom founder ng PhilCham naisakatuparan ito dahil sa komon nilang pananaw at adhikain. Saad niya nais nilang isulong ang growth mindset sa mga kababayang nasa Shanghai. At mas pagandahin pa ang maganda nang impression ng mga Tsino sa mga Pilipino.

Binanggit ni Carol Ong sa kanyang welcome remarks ang 3 katanungan na nais bigyang tugon ng unang event ng PhilCham. Ang una ay: Saan maaring maglagak ng puhunan? Ikalawa: Paano makakukuha ng puhunan. At ang ikatlo: Sino ang mga taong maaring maging halimbawa at pagkunan ng inspirasyon?

Si Robert Vicencio

Si Robert Vicencio

Para sa ikatlong tanong ibinahagi ni Robert Vicencio, star ng Ms. Saigon, kilalang media personality at iginagalang na entertainment industry professional sa Tsina ang kanyang pananaw hinggil sa pagkamit ng tagumpay. Aniya kailangan ang pagkabigo upang magtagumpay. Ang failure o pagkabigo ang pillar ng tagumpay dahil dito nagmumula ang experience, resilience at strength.

Si Consul Mario Tani

Si Consul Mario Tani

Katuwang ng PhilCham ang Philippine Trade and Investment Center sa Shanghai. Sa event ibinahagi ni Consul Mario Tani ang magandang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, na ayon sa datos ng 2018, ang bansa ay ikatlong fastest growing economy in East Asia. Ibinahagi rin niya ang mga industriya o sektor na magandang paglagakan ng puhunan gaya real estate, transport, payment at online retail.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino