PhilCham Shanghai, isusulong ang Pinoy entrepreneurial spirit

2019-01-25 18:13:10

Si Chris Lim

Si Chris Lim

Hindi madali ang magsimula ng negosyo at ibinahagi ni Chris Lim, Director for ASEAN, ng Philippine Franchise Association ang ilang mahahalagang tips gaya ng Think big. Start small. Grow fast. Dagdag niya ang franchising ay isang mabisang paraan upang mapalago ang negosyo. Handa ang kanyang tanggapan upang bigyang tulong ang mga Pinoy na nais magsimula ng kanilang franchising business.

Narito naman ang mga reaksyon ng ilang Pinoy na dumalo sa event.

Si Edison Bonjibod

Si Edison Bonjibod

Ani Edison Bonjibod na mula sa isang semiconductor firm sa Shanghai, "Magandang event ito especially if you're aspiring to be an entrepreneur. Knowing what sector will be the next big thing, not only in the Philippines but in ASEAN and in other booming economies." Nakatulong aniya pa ang impormasyon hinggil sa mga negosyo centers, pagkuha ng mentors at kung paano makikipag usap sa mga venture capitalists. Ang mga payo saad niya ay maipapasa sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya.

Si Herbert Recato

Si Herbert Recato

Si Herbert Recato ay isang landscape designer. Madami ng napakinggang mentors at coach si Herbie hinggil sa pagnenegosyo. Pero tumatak sa kanya ang advice na "Start small but dream big and look at the long term." Ganito ang gusto niyang gawin at ito rin ang diskarte aniya sa pagpasok sa paper assets at real estate.

Si Scott Si

Si Scott Si

Hinggil naman sa hangaring gawing isang brand ang Filipino bilang mga magagaling na negosyante, sinabi ni Scott Si ng HSBC "That's a noble aim. I think the Filipino brand is underrated because when people get to know Filipinos better, they start to realize oh this is not what i thought the Philippines was. This is not what I read in the news. So we need to get that brand more exposed. Thats what Filipinos deserve.'

Pakinggan ang kabuuan ng mga panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.

Pagwawasto (Erratum): Sa programa, ang tamang pangalan na dapat binanggit ay Robert Vicencio. At ang tamang URL ay www.philcham.org. Kami ay humihingi ng paumanhin.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino