Sally Chua, Halos 30 Taong Pamumuhay sa Shenzhen

2016-09-28 16:28:07

1987 nang mabigyan ng oportunidad si Sally Chua na magtrabaho sa Tsina. Sa Pilipinas, mahaba na ang kanyang karanasan sa garments industry at nang alukin ng trabaho sa isang malaking factory sa Shenzhen, nagdesisyon siyang tanggapin ito at gawin ang malaking hakbang na magbabago sa takbo ng kanyang hikahos na pamumuhay.


Pero hindi rin naging madali ang simula ng kanyang buhay OFW.  Isang atrasadong lugar ang Shenzhen nang dumating siya noong Dekada 80. Walang nakakapag Ingles. Ang pabrika nasa ilang na lugar  at  napapalibutan ng malalawak na mga taniman, at talagang iba ang kultura.


Laging tanda ang payo  ng magulang ”Nasa Diyos ang Awa, nasa tao ang gawa,”  nagpursige si Sally Chua.  Sanay siya sa hirap. Sanay na magbanat ng buto. Sa isip niya lahat ay makakaya niya.


Para matuto ng salitang Tsino hindi siya natutulog kapag lunch break at nag-aaral. “Usisera” ang ginamit niyang salita para ilarawan ang kanyang paraan para matuto at alamin ang proseso at galaw sa pabrika. Di nagtagal madali na siyang nakapag-adapt sa sistema.


Marami pa siyang naging diskarte sa buhay na naging susi ng kanyang masayang pamumuhay sa Shenzhen. Pakinggan ang iba pa niyang mga naranasan sa loob ng 30 taong paninirahan sa Shenzhen sa panayam ni Mac Ramos ng programang Mga Pinoy sa Tsina.

Sina Sally Chua (kaliwa sa litrato) at Machelle Ramos mula sa CRI Filipino Service.

Sina Sally Chua (kaliwa sa litrato) at Machelle Ramos mula sa CRI Filipino Service.

Ang Chua Family, mag-asawang Sally at Joel, kasama ang kanilang mga anak na sina Jojo at Mimi.

Ang Chua Family, mag-asawang Sally at Joel, kasama ang kanilang mga anak na sina Jojo at Mimi.

Larawan na kuha noong bagong dating si Sally Chua sa Tsina taong 1987, anim na oras ang biyahe ng grupo sa bus mula Panyu tungong Zhuhai para lang makatawid ng Macau at makakain sa McDonald's.

Larawan na kuha noong bagong dating si Sally Chua sa Tsina taong 1987, anim na oras ang biyahe ng grupo sa bus mula Panyu tungong Zhuhai para lang makatawid ng Macau at makakain sa McDonald's.

Grupo ng mga Pinoy na kasama ni Sally Chua na nagsimba sa isang cathedral sa Guangzhou.

Grupo ng mga Pinoy na kasama ni Sally Chua na nagsimba sa isang cathedral sa Guangzhou.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino