Judith Los Banos: Pagtatatag ng National Hotel Brand ng Tsina

2014-01-06 16:07:05 CRI

Ginawaran ng American Academy of Hospitality Sciences ang Tangla Hotel Tianjin ng International Six Star Diamond Award.

Judith Los Banos: Pagtatatag ng National Hotel Brand ng Tsina

Tangla Hotel Tianjin

Ang Tangla Tianjin ang kauna-unahang hotel sa buong mainland China na nagtamo ng prestiyoso at bukod-tanging pagkilala dahil sa mataas na kalidad ng serbisyo.

Sa buong mundo, 6 lang na hotel ang may International Six Star Diamond Award. Sa anim, 3 hotel ang makikita sa Asya, ang mga ito'y The Peninsula-Hong Kong, Mandarin Oriental-Tokyo at ang Tangla Hotel na makikita sa Heping District ng Tianjin.

Judith Los Banos: Pagtatatag ng National Hotel Brand ng Tsina

Seremonya ng paggawad ng Six Star Diamond Award

Kadalasan, Five Star Diamond Award lang ang ibinibigay ng AAHS pero nakakakuha ng isa pang bitwin ang mga hotel na nakakapagbibigay ng serbisyo na angkop sa marangyang buhay ng isang-hari.

Pinaunlakan ni Bb. Judith Los Banos, Director of Marketing ng Hai Nan Airlines Hotel Group ang Serbisyo Filipino ng CRI ng isang interview para mas malalim na ipaliwanag ang kahalagahan ng gawad na ito sa nag-iisang kumpanya ng hotel na pag-aari ng Tsino.

Judith Los Banos: Pagtatatag ng National Hotel Brand ng Tsina

Bar sa loob ng Tangla Tianjin

Naging karapat-dapat ang Tangla Hotel Tianjin sa nasabing award dahil sa "The Ambassador" na nakatutok sa lahat ng pangangailangan ng kliyente. Bukas ng 24-oras ang serbisyo.

Bukod dito ang di-mapantayang pag-aasikaso ng mga staff sa bawat bisitang tumitira sa hotel. Kung pasilidad ang pag-uusapan di matatawaran at kumpleto ang hotel. Sa bawat kwarto pakiramdam ay "home away from home."

Judith Los Banos: Pagtatatag ng National Hotel Brand ng Tsina

Kinapanayam ni Machelle Ramos si Judith Los Banos, Director of Marketing ng Hai Nan Airlines Hotel Group

Dagdag pa ni Judith, malugod na tinanggap ng MICE at Tourism Industry ng Tianjin ang pagkilalang ito sa Tangla Hotel.

Inaasahan ang patuloy na paglago ng hospitality industry sa lungsod kasabay ng mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya at pamumuhay ng Tianjin.

Mapapakinggan ang kabuuan ng panayam sa audio link na makikita sa itaas.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino