Rene Robles' The Art in Assertionism exhibition, itinatanghal sa Xiamen

2018-02-22 16:23:35

Ang prinsipyo ng Assertionism ay: Art which has power asserts transforms and transcends. Founder at pioneer ng art movement na ito ay walang iba kundi si Ireneo “Rene” Robles.

Rene Robles' The Art in Assertionism exhibition, itinatanghal sa Xiamen

"The Art in Assertionism" sa Xiamen Art Gallery

Kilalang-kilala, iginagalang at pinarangalan na sa mga kanluraning bansa ang Assertionism. 1986 nabuo ni Rene Robles ng istilong ito habang naninirahan sa New Jersey, USA.

Si Rene Robles (gitna) inihandog ang katibayan sa kanyang painting na

Si Rene Robles (gitna) inihandog ang katibayan sa kanyang painting na "Love" na inalay ng pintor sa Xiamen Art Gallery. Kasama sa larawan sina Consul General Julius Caesar Flores (kaliwa) at Mdm. Chen Juan, Direktor ng Xiamen Art Gallery (kanan).

Binuksan Pebrero 9, 2018 sa Xiamen Art Gallery ang “The Art in Assertionism” kauna-unahang exhibition ng kilalang Filipino visual artist sa mainland Tsina.

Kinapanayam ni Mac Ramos ng Serbisyo Filipino si Rene Robles.

Kinapanayam ni Mac Ramos ng Serbisyo Filipino si Rene Robles.

Sa ekslusibong panayam ng CRI Filipino Service, ipinahayag ni Robles ang kagalakang madalaw ang Xiamen. Di lingid sa kanyang kaalaman ang sariling istilo sa pagpipinta ng mga Tsino. Sa kanyang one-man exhibit nais niyang ipakilala naman sa Tsina ang sariling likhang istilo.

“Gusto ko lang magising ang ibang mga artists mula sa ibang bansa na ang ordinary things ay dapat mahalin at balikan at marunong tayong bumalik kung saan man tayo nanggaling. Yun kasi ang style ko actually”.

"Love," obra ni Robles na inihandog sa Xiamen Art Gallery

Aniya pa, “Magandang pagkakataon ito para sa pagpapalitan at mai-relate o maiugnay ang identidad ng Pilipino sa identidad naman ng mga Tsino. Walang kompetisyon dahil bilang pintor ako'y may natatanging istilo.”

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino