SRBF, nagtatampok sa Belt and Road Initiative

2016-08-17 12:22:48

Idinaos Martes, Agosto 16, 2016, ang 2016 Singapore Regional Business Forum (SRBF) para talakayin ang mga pagkakataon at hamon sa proseso ng konstruksyon ng Belt and Road Initiative.

Dumalo sa porum na ito ang halos 500 kinatawan. Sinabi ni Li Zhaoxing, Presidente ng China Public Diplomacy Association (CPDA), na ang Belt and Road Initiative ay isang patakarang bukas, kooperatibo at may mutuwal na kapakinabangan para sa Tsina at mga kasaling bansa.

Sinabi naman ni Chen Xiaodong, Embahador Tsino sa Singapore, na malaki ang nakatagong lakas at kinabukasan ng Tsina at Singapore sa mga kooperasyon hinggil sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative.

Bukod dito, sinabi ni Teo Siong Seng, Presidente ng Singapore Business Federation na mahalaga ang papel ng Belt and Road Initiative sa pagsasakatuparan ng komong kasaganaan ng Timog-silangang Asya.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino