Tatlong malaking hamon, kinakaharap ng Indonesia: Pangulong Widodo

2016-08-18 11:08:42 CRI

Sa kanyang SONA nitong Martes, Agosto 16, 2016, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na kinakaharap ng kanyang bansa ang tatlong malaking hamon na gaya ng kahirapan, kawalan ng trabaho at di-pagkakapantay-pantay ng lipunan.

Ipinahayag ni Pangulong Widodo na upang lutasin ang nasabing mga isyu, dapat isakatuparan ng pamahalaan ang mga estratehikong hakbangin na gaya ng pagpapabilis ng konstruksyon ng imprastruktura, pagpapataas ng kalidad ng pagpoprodyus at lakas-manggagawa, at pagpapabuti ng gawaing administratibo.

Ipinahayag din niyang dapat pasulungin ang pambansang kabuhayan para pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino