MCC: Tinanggap ng Kalihim ng DTI ng Pilipinas ang paanyaya sa pagdalaw sa Tsina

2016-08-18 11:14:34

Ipinahayag Miyerkules, Agosto 17, 2016, ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MCC), na tinanggap ni Sec. Ramon M. Lopez, Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Pilipinas, ang paanyaya sa pagdalaw sa Tsina.

Sinabi niyang noong ika-5 ng Agosto, nagtagpo sina Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Kalihim Ramon M. Lopez ng DTI habang dumadalo sila sa Economic Ministers' Meeting ng East Asia Summit (EAS) na idinaos sa Vientiane ng Laos at inimbita ni Gao si Lopez na dumalaw sa Tsina sa lalong madaling panahon.

Sa kanilang pagtagpo, ipinahayag ng dalawang panig na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas ay mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino