Symposium hinggil sa Relasyong Sino-ASEAN sa Panahon ng Brilyante, binuksan sa Malaysia

2016-08-18 15:55:59 CRI

Kuala Lumpur, Malaysia-Binuksan Miyerkules, Agosto 17, 2016, ang Pandaigdig na Symposium hinggil sa Relasyong Sino-ASEAN sa Panahon ng Brilyante: Pagkakataon at Hamon.

Idinaos ito bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialog partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa ilalim ng balangkas ng dialog partnership, nagsimula nang isaoperasyon ng Tsina at ASEAN ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) noong 2002. Inilarawan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang unang sampung taong pagtutulungang Sino-ASEAN sa CAFTA bilang Ginintuang Panahon, at ang susunod na sampung taon bilang Panahon ng Diyamante.

Sinabi ni Danny Wong Tze Ken, kalahok na Direktor ng Institute of China Studies ng University of Malaya, na nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang dialogue partnership, mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan. Idinagdag pa niyang 7 taong singkad na nagsisilbi ang Tsina bilang pinakamalaking trade partner ng ASEAN at ang ASEAN naman ay tuluy-tuloy na apat na taong nagiging ikatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina.  

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino