Indonesia, nanawagan sa tigil-putukan ng tropang Pilipino at ASG

2016-08-18 15:00:14 CRI

Jakarta, Indonesia -Nanawagan Miyerkules, Agosto 17, 2016 ang Ministring Panlabas ng Indonesia sa panig militar ng Pilipinas at Abu Sayyaf group (ASG) na magtigil-putukan para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang Indones na kinidnap ng ASG.

Ipinalabas ng Indonesia ang nasabing panawagan makaraang tumakas ang isa sa pitong hostage mula sa ASG sa Sulu province.

Sinabi ni Lalu Muhammad Iqbal, Direktor ng Pangangalaga sa mga Mamamayang Indones sa Ibayong Dagat ng Ministring Panlabas ng Indonesia, na priyoridad ng Indonesia ang kaligtasan ng mga hostage. Idinagdag pa niyang nakipag-usap na ang ministrong panlabas ng Indonesia sa kanyang counterpart na Pilipino para hilingin ang nasabing tigil-putukan.

Nakidnap ang nabanggit na pitong marinerong Indones sa tugboat sa katubigang kahangga ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia, noong Hunyo, 2016.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino