Philippines Coast Guard, tinanggap ang unang patrol boat mula Hapon

2016-08-19 11:27:53

Kinumpirma Huwebes, Agosto 18, 2016, ng Philippines Coast Guard (PCG) ang pagtanggap sa unang patrol boat sa sampung (10) naunang ipinangako ng Hapon na ipagkakaloob sa Pilipinas. Dumating ito sa Manila South Harbor Huwebes ng umaga. Tuluy-tuloy na itinatayo ng Japan Marine United ang nalalabing siyam (9) na katulad na bapor. Ayon sa pagtaya, maibibigay ang lahat ng patrol boat sa Pilipinas bago magtapos ang taong 2018.

Ayon sa naunang narating na kasunduan ng Pilipinas at Hapon, ipagkakaloob ng Pamahalaang Hapones ang 158 milyong dolyares na pautang sa Pilipinas para mabili ang naturang 10 patrol boat. Ang pamahalaang Pilipino naman ay maglalaan ng P1.4 Bilyon para sa nasabing proyekto.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino