Cross-border E-commerce, makakatulong sa pagpapasulong ng kalakalan ng Tsina at Malaysia

2016-08-19 18:19:07 CRI

Sa pagtataguyod ng Malaysia External Trade Development Corporation, idinaos kahapon, Huwebes, ika-18 ng Agosto 2016, sa Kuala Lumpur, ang symposium hinggil sa pagluluwas sa Tsina.

Sa kanyang talumpati sa symposium, sinabi ni Huang Huikang, Embahador ng Tsina sa Malaysia, na dapat lubos na samantalahin ng Malaysia ang cross-border E-commerce, para ibayo pang paunlarin ang pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng bansang ito at Tsina. Ito aniya ay makakatulong sa pagpapataas ng lebel ng kalakalan ng Tsina at Malaysia, at pagsasakatuparan ng target na aabot sa 160 bilyong Dolyares ang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa, bago ang taong 2020.

Sinabi naman sa symposium ni Ong Ka Chuan, Ikalawang Ministro ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia, na mabilis na umuunlad sa Tsina ang cross-border E-commerce, at nagkaloob ito ng magandang paraan para iluwas sa Tsina ang mga paninda ng Malaysia. Nanawagan siya sa mga negosyanteng Malay na samantalahin ang pagkakataong ito.

Sa kasalukuyan, ang Malaysia ay pinakamalaking trade partner ng Tsina sa loob ng ASEAN. Ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Malaysia ay katumbas ng sangkalima ng kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino