Pinakamalaking perlas sa daigdig, natuklasan ng mangingisdang Pinoy

2016-08-24 10:47:10

Pinakamalaking perlas sa daigdig, natuklasan ng mangingisdang Pinoy

Ayon sa pahayagang "Daily Mail" ng Britanya nitong Lunes, Agosto 22, 2016, 10 taon na ang nakararaan, sa aksidenteng pagkakataon, natagpuan ng isang mangingisdang Pinoy ang isang napakalaking perlas na may bigat na 34 kilo. Sa kasalukuyan, posible itong maging pinakamalaking pearl sa daigdig. Ayon sa pagtaya, nagkakahalaga ito ng halos 100 milyong US Dollar.

Noong panahong nakita ng naturang mangingisda ang nasabing perlas, hindi niya alam na ito ang isang "napakamahal na kayamanan," at inilagay lamang niya ito sa kanyang barungbarong. Napilitan siyang lumipat ng tirahan matapos masunog ang kanyang kubo. Pagtapos nito'y ibinigay niya ang dambuhalang perlas sa opisyal ng departamentong panturista ng Palawan.

Ayon sa kinauukulang opisyal ng departamentong panturista, hinihintay na ang identipikasyon ng jewel institute at ibang kinauukulang pandaigdigang organo sa nasabing yamang dagat.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino