Mga pulong ng mga ministro ng 10+1 at ng 10+3, idinaraos sa Brunei

2016-08-25 17:50:50 CRI

Bandar Seri Begawan, Brunei—Mula ika-23 hanggang ika-26 ng Agosto, 2016, idinaraos dito ang ika-3 Pulong ng Mga Ministro ng Kultura ng Tsina at ASEAN (10 1), at ika-7 Pulong ng Mga Ministro ng Kultura ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Kroea (10 3). Dumalo sa mga pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Ding Wei, Pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina.

Malalimang tinalakay sa mga pulong ng mga kalahok ang mga paksang gaya ng pagpapalalim ng rehiyonal na kooperasyong kultural, pagpapatupad ng panlimahang taong plano ng aksyon ng kooperasyong kultural ng Tsina at ASEAN, magkakasamang pagtatatag ng porum ng kultura ng Tsina at ASEAN, paglikha ng mga demonstratibong tatak at iba pa. Malawakang komong palagay ang narating din sa pulong.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino