Resepsyon bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, idinaos sa Beijing

2016-08-26 16:48:37 CRI CRI

Sa pagtataguyod ng Ministring Panlabas ng Tsina, Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries, at ASEAN Committee in Beijing, idinaos kahapon, Huwebes, ika-25 ng Agosto 2016, sa Beijing, ang resepsyon bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Lumahok sa resepsyon sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, Gu Xiulian, Puno ng ASEAN China Center, mga diplomata ng sampung bansang ASEAN sa Tsina, at halos 300 iba pang personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng Tsina at ASEAN.

Bago ang pagtitipon, nakipagtagpo si Yang Jiechi sa mga diplomata ng mga bansang ASEAN sa Tsina. ipinahayag ni Yang na nitong 25 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, mabilisang umuunlad ang pagtutulungan ng dalawang panig, at gumagawa ito ng mahalagang ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng ASEAN, para matagumpay na idaos sa susunod na Setyembre sa Laos ang summit ng paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng dalawang panig. Ito aniya'y magdudulot ng bagong kasiglahan para sa ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang panig.

Sa resepsyon naman, tinukoy ni Li Xiaolin, Puno ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries, na laging itinuturing ng Tsina ang ASEAN, bilang priyoridad ng diplomasya nito sa rehiyong nakapaligid. Kinakatigan aniya ng Tsina ang konstruksyon ng ASEAN Community, namumunong posisyon ng organisasyong ito sa rehiyonal na kooperasyon, at pagpapatingkad nito ng mas malaking papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Ipinahayag naman ni Magdalene Teo, Embahador ng Brunei sa Tsina, at kasalukuyang Tagapangulo ng ASEAN Committee in Beijing, ang pananalig, na sa pamamagitan ng pagdaraos ng naturang summit ng paggunita, susulong sa bagong antas ang relasyong Sino-ASEAN.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino