Tsina at ASEAN, tinalakay ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon

2016-08-27 17:13:54 CRI CRI

Sa pagtataguyod ng Bangkok Bank ng Thailand, idinaos kahapon, Biyernes, ika-26 ng Agosto 2016, sa Bangkok, Thailand, ang porum bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Kalahok dito ang mga diplomata mula sa Tsina at iba't ibang bansang ASEAN.

Sinabi ni Wu Zhiwu, charge d'affaires ng Tsina sa Thailand, na nitong mga taong nakalipas, mabunga ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang aspekto na gaya ng kabuhayan, kalakalan, kultura, edukasyon, at iba pa. Kabilang dito aniya, ang aspekto ng kabuhayan at kalakalan ay tampok ng kooperasyon ng dalawang panig.

Ipinahayag naman ni Tej Bunnag, dating Ministrong Panlabas ng Thailand, na ang infrastructure connectivity ay kasalukuyang pangunahing usapin ng ASEAN, at magdudulot ito ng magandang pagkakataon para sa kooperasyong Sino-ASEAN.

Ipinalalagay naman ni Abdul Majit, dating Embahador ng Malaysia sa Tsina, na sa kabilang ng mga umiiral na hidwaan, dapat magkonsentra ang ASEAN at Tsina sa pagpapalalim ng kooperasyon. Ito aniya ay makakatulong sa komong kaunlaran at kasaganaan ng dalawang panig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino