Paligsahan ng Pagluluto, idinaos sa Thailand para maakit ang mas maraming turistang babae

2016-08-29 17:24:26 CRI

Upang maakit ang mas maraming turistang babae, itinakda ng Kawanihang Panturismo ng Thailand ang buwan ng Agosto bilang “Buwan ng Kababaihan.” Idinaraos ito kasabay ng pagdiriwang sa ika-84 na kaarawan ni Reyna Sirikit ng bansa.

Ang isa sa mga aktibidad ng selebrasyon ay Paligsahan ng Pagluluto na ginanap sa Bangkok. Inanyayahang lumahok dito ang mga kinatawang babaeng Tsino mula sa sektor ng moda at media.

Ayon sa Kawanihang Panturismo ng Thailand, layon ng paligsahan ay ipakilala sa mga potensyal na turistang babaeng Tsino ang hinggil sa pagkain at kulturang Thai sa pamamagitan ng pagluluto ng tradisyonal na putaheng Thai.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino