Treng yari sa Tsina, nagsubok-takbo sa Thailand

2016-08-30 15:33:30 CRI CRI

Bangkok, Thailand-Ang bagong treng yari sa Tsina ay nagsagawa ng subok-takbo Lunes, Agosto 29, 2016 round trip mula sa Bangkok tungong Nakhon Pathom.

Ang treng binili ng State Railway of Thailand (SRT) ay unang bagong tren ng bansa nitong 20 taong nakalipas.

Pagkatapos ng nasabing operasyon, simula darating na Oktubre, ang SRT ay pormal na magpapatakbo ng mga treng yari sa Tsina sa ibang ruta na gaya ng Bangkok-Chiang Mai, Bangkok-Ubon Ratchathani, Bangkok-Nong Khai, at Bangkok-Hat Yai.

Noong 2014, nilagdaan ng SRT at China Railway Rolling Stock Corporation (CRRC) ang kasunduan para sa pagbili ng 115 bagong carriage. Ang unang batch ng 39 na carriage ay inihatid ng CRRC sa SRT noong Hulyo 14, 2016 at ang natitira ay nakatakdang ihatid sa darating na Oktubre.

Si Punong Ministro Prayut Chan-ocha (sa harap) habang tumutugtog ng kampana para ilunsad ang subok-takbo ng bagong treng yari sa Tsina sa Hua Lamphong station, Bangkok, Thailand, Aug. 29, 2016. (Xinhua/Rachen Sageamsak)

Ang bagong treng yari sa Tsina bago ang subok-takbo nito sa Bangkok, Thailand, Aug. 29, 2016. (Xinhua/Rachen Sageamsak)

Isang babae habang nagseselfie sa harap ng bagong treng yari sa Tsina sa Hua Lamphong station sa Bangkok, Thailand, Aug. 29, 2016..(Xinhua/Rachen Sageamsak)

Mga train attendants habang nakatayo sa pinto ng bagong treng yari sa Tsina bago ang subok-takbo nito sa Hua Lamphong station, Bangkok, Thailand, Aug. 29, 2016. (Xinhua/Li Mangmang)

First-class coach ng bagong treng yari sa Tsina. Aug. 29, 2016. (Xinhua/Li Mangmang)

Isang train attendant habang naglalakad sa loob ng bagong treng yari sa Tsina, Aug. 29, 2016. (Xinhua/Li Mangmang)

Isang work personnel habang nagpapakilala ng control system ng bagong treng yari sa Tsina, Aug. 29, 2016. (Xinhua/Li Mangmang)

Set meal sa bagong treng yari sa Tsina, Aug. 29, 2016. (Xinhua/Li Mangmang)

Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino