Relasyon ng Tsina at ASEAN, papasok sa "period of maturity"

2016-09-01 11:33:40 CRI

Kaugnay ng pagdalo ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa serye ng mga pulong ng mga lider ng Silangang Asya na idaraos sa Vientiane ng Laos mula ika-6 hanggang ika-9 ng Setyembre, sinabi Miyerkules, Agosto 31, 2016, ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang nasabing pagdalo ay magpapasulong ng relasyon ng Tsina at ASEAN para pumasok sa "period of maturity." Dagdag pa niya, ihaharap ni Premyer Li ang mga bagong mungkahi hinggil sa kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para patatagin ang bagong haligi ng kooperasyon ng dalawang panig.

Ang taong 2016 ay ang Ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Sinabi ni Liu na sa kanyang pananatili sa Laos, dadalo si Premyer Li sa ika-19 na pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN (10+1), ika-19 na pulong ng ASEAN, Tsina, Timog Korea at Hapon (10+3), at ika-11 East Asia Summit (EAS). Dagdag pa niya, isasagawa rin ni Premyer Li ang opisyal na pagdalaw sa Laos.

Kaugnay ng koopersyon ng Tsina at ASAEAN, sinabi ni Liu na kasabay ng patuloy na pagpapalalim at pagpapatatag ng seguridad na pulitikal at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, dapat ipauna ng dalawang panig ang pag-unlad ng edukasyon at turismo para ito ay maging bagong haligi ng kooperasyon ng dalawang panig.

Kaugnay ng pulong ng 10+3, sinabi ni Liu na pasusulungin ng panig Tsino ang pagpapahigpit ng tatlong panig ng mga kooperasyon sa seguridad na pinansiya, kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, pagbibigay-tulong sa mga kahirapan, komunikasyon at people-to-people exchanges.

Kaugnay ng EAS, sinabi ni Liu na ipinalalagay ng panig Tsino na dapat patuloy na isakatuparan ng mga kalahok ang Plan of Action to Implement the Phnom Penh Declaration on EAS Development Initiative, pasulungin ang mga kooperasyon sa mahahalagang larangan at igiit ang prinsipyong kasinghalaga ng pag-unlad ng kabuhayan at seguridad na pulitikal.

Kaugnay ng pagdalaw ni Li sa Laos, sinabi ni Liu na tatalakayin ng dalawang bansa ang hinggil sa pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong kooperasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino