Tsina at ASEAN, idaraos ang roundtable meeting hinggil sa kooperasyon sa larangan ng radyo, telebisyon, at pelikula

2016-09-02 16:09:59 CRI CRI

Ayon sa ulat ngayong araw, Biyernes, ika-2 ng Setyembre 2016, ng sekretaryat ng China-ASEAN Expo (CAExpo), mula ika-7 hanggang ika-8 ng buwang ito, idaraos sa Nanning, Tsina, ang roundtable meeting ng Tsina at ASEAN hinggil sa kooperasyon sa larangan ng radyo, telebisyon, at pelikula. Ito ay magiging bahagi ng mga aktibidad ng gagawing Ika-13 CAExpo.

Lalahok sa naturang pulong ang mga kinatawan mula sa sektor ng radyo, telebisyon, at pelikula ng Tsina at mga bansang ASEAN. Tatalakayin nila ang hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon, at itatakda rin ang isang balangkas na pangkooperasyon sa hinaharap.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino