Tatlong bilyong piso ang nawawala sa pamahalaan dahil sa smuggling

2016-09-03 18:35:41

TINATAYANG mula P 3 hanggang 5 bilyon ang nawawala sa bawat taon sa Bureau of Customs sa hindi pagbubukas ng Balikbayan boxes. Ito ang sinabi ni Customs Commissioner Alberto Lina sa isang pagdinig sa Senado kanina.

Sa pagtataya ng Bureau of Customs, aabot sa P 250 hanggang 416 milyon ang nawawala buwan-buwan sa pagpupuslit sa balikbayan boxes. Nangangahulugan lamang na mula P8.2 hanggang 12.7 milyon ang nawawala sa bawat araw.

Sa panig ng foreign remittances, sinabi ni Commissioner Lina na mula US$ 20 hanggang 25 bilyon ang naipapasok sa bansa subalit sinabi ni Senador Cynthia Villar na halos US$ 50 bilyon ang naipapadala sa bansa sa bawat taon. Ipinaliwanag ng mambabatas na ang US bilyon ay sa pamamagitan ng formal remittance samantalang mayroong US$ 23 bilyon ang dala ng OFWs sa pag-uwi sa bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino