Ambassador ng Thailand sa Tsina: Ang Tsina ay gumaganap bilang tulay sa G20 at G77

2016-09-03 18:37:48

Idaraos sa Hangzhou, Tsina, ang ika-11 summit ng G20 sa ika-4 hanggang ika-5 ng buwang ito. Bago magsimula ang summit na ito, ipinahayag ni H.E. Theerakun Niyom, Embahador ng Thailand sa Tsina na gumaganap ang Tsina bilang tulay sa pagitan ng G20 at G77. Sa ilalim ng background ng patuloy at malalim na pagsasaayos ng pandaigdig na kabuhayan, ang “Belt and Road” Initiative na iniharap ng Tsina at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na itinaguyod ng Tsina ay gaganap ng malaking tagapagpasulong na papel para sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig at panrehiyon.

Ang Thailand ay bansang tagapangulo ng G77, lalahok sa idaraos na summit si Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand at mga opisyal ng pamahalaan.

Ipinalalagay ni Niyom na pinalawak ang paanyaya ng summit ng G20 sa mga miyembro ng G77 nang sa gayo'y, mapakinggan ng mga kasaping bansa ng G20 ang tinig ng mas maraming bansa ng daigdig.

Inaasahan ni Niyom na matututunan ng mga miyembro ng G77 ng maunlad na ideya ng G20 sa siyensiya at teknolohiya at inobasyon, at magkakaloob ang G20 at mga pandaigdig na organisasyon ng mas maraming pagkatig sa mga umuunlad na bansa.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino