Tsina, ipinahayag ang pakikidalamhati sa mga biktima ng pagsabog sa Davao at kondemnasyon sa terorismo

2016-09-04 10:55:14 CRI CRI

Ipinahayag Sabado, Setyembre 3, 2016, ni Hua Chunying, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pakikidalamhati sa mga biktima sa pagsabog sa Davao City na naganap Biyernes ng gabi.

Ipinahayag din ni Hua ang matinding kondemnasyon sa nasabing teroristikong atake. Idinagdag pa niyang tutol na tutol ang Tsina sa terorismo sa anumang porma.

Naniniwala aniya ang Tsina na nagsasagawa at magsasagawa ang pamahalaang Pilipino, sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kinakailangang hakbang para bumalik ang katatagan sa Davao.

Naganap ang pagsabog sa isang pamilihan sa Davao City na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng humigit-kumulang 70 iba pa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino