Kaso ng Zika sa Singapore, 242 na

2016-09-05 16:28:31 CRI

Ayon sa magkasanib na pahayag Linggo ng gabi, Setyembre 4, 2016, ng Ministri ng Kalusugan (MOH) at National Environment Agency (NEA) ng Singapore, umabot na sa 242 ang bilang ng mga nahawahan ng Zika virus sa bansa.

Kasalukuyang tinatalakay ng MOH kung nagiging epektibo ang mga patakaran ng pagbubukod sa mga maysakit. Samantala, ipinagpapatuloy ng NEA ang “vector control” operation para mapigilan ang pagdami ng mga Aedes mosquito, lamok na nagpapalaganap ng Zika, chikungunya at dengue.

Sapul noong katapusan ng Agosto nang ipatalastas ng bansa ang locally transmitted na Zika infection, patuloy na dumarami ang mga kumpirmadong kaso.

Nitong nagdaang Mayo, ipinatalastas ng Singapore ang unang kaso ng Zika virus at ang maysakit ay isang 48 taong gulang na lalaki na umuwi mula sa Brazil.

Kabilang sa mga sintomas ng Zika infection ay lagnat, pamamantal, pananakit ng kasukasuan at namumulang mata. Pero, kadalasan hindi ito nangangailangan ng pagkaospital, at mababa rin ang insidente ng kamatayan. Ngunit, ito'y lubhang mapanganib para sa mga nagdadalang tao dahil naaapektuhan nito ang sanggol sa sinapupunan.

Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino