Mga Malay, sinasanay sa teknolohiya ng high-speed rail sa Tsina

2016-09-06 15:46:51 CRI

Labingwalong (18) teknisyan mula sa Malayan Railways Limited (KTMB), pangunahing rail operator ng Malaysia ang nagsimula Lunes, Setyembre 5, 2016 ng kanilang  tatlong buwang pagsasanay hinggil sa mga teknolohiya ng high-speed rail sa Zhu Zhou, Hunan Province sa dakong gitna ng Tsina.

Ang Hunan Vocational College of Railway Technology na tinaguriang pinakamagaling na kolehiyo sa teknolohiya ng daambakal ang namamahala sa pagsasanay.

Seremonya ng pagbubukas ng pagsasanay (photo credit: HVCRT official website)

Seremonya ng pagbubukas ng pagsasanay (photo credit: HVCRT official website)

Ayon sa media report ng Malaysia, dahil sa kakulangan sa mga tauhang panteknolohiya, nakikipagtulungan ngayon ang Malaysia sa iba't ibang bansa para sanayin ang mga tauhan. Anang ulat, sa taong 2020, kakailanganin ng Malaysia ang 50,000 tauhan sa larangan ng daambakal at 8,000 sa mga ito ay teknisyan, tsuper at konduktor.

Salin: Jade
Pulido: Rhio


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino