PM ng Tsina at Kambodya, nag-usap

2016-09-08 09:21:46 CRI

Sa pakikipag-usap Setyembre 7, 2016, sa Vientiane, Laos sa kanyang Cambodian counterpart na si Hun Sen, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na bilang mapagkaibigang kapitbansa ng Kambodya, positibo ang Tsina sa pagsisikap ng pamahalaang Kambodyano sa pangangalaga sa soberanya, kasarinlan, at katatagan ng estado, pagpapabilis ng kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan para sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpapataas at pagpapalawak ng impluwensiya sa daigdig. Tinukoy ng Premyer Tsino na bilang namang matalik na magkaibigan, umaasa ang Tsina na mapapahigpit ang pragmatikong pakikipagtulungan sa Kambodya sa ibat-ibang larangan, lalo na sa agrikultura, kabuhayan, kalakalan, imprastruktura, kultura, at turismo para isakatuparan ang win-win situation ng dalawang bansa. Ani Li, umaasa siyang pahihigpitin ng Tsina at Kambodya ang pagtutulungan sa balangkas ng mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN, at mekanismo ng Lancang at Mekong River. Ito ay makakatulong sa magkasamang pangangalaga sa katatagan at kasaganaan ng rehiyon, dagdag pa ni Li.

Ipinahayag naman ni Hun Sen na nananatiling mahigpit ang pagkokontakan ng mga liderato ng dalawang bansa, at nasa mataas na antas naman ang kanilang komprehensibong estratehikong partnership. Pinasalamatan aniya ni Hun Sen ang tulong na ibinibigay ng Tsina sa Kambodya. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para palakasin pa ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at magkasamang pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino