PM ng Tsina at Malaysia, nag-usap

2016-09-08 09:24:22 CRI

Nag-usap gabi ng Setyembre 7, 2016, sa Vientiane, Laos sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia.

Ipinahayag ni Premyer Li na bilang mapagkaibigan at matalik na magkatuwang, maalwang umuunlad ang relasyon ng Tsina at Malaysia. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia para ibayong pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Samantala, magsisikap din aniya ang Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at pasulungin ang komong pag-unlad.

Ipinahayag naman ni Najib na matibay ang pundasyong pangkooperasyon ng Tsina at Malaysia, at nananatiling mainam ang pag-unlad ng bilateral na relasyon. Hinihintay aniya ng Malaysia ang pakikisangkot ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga proyekto ng bansa sa pagtatatag ng imprastruktura at parke ng industriya. Aniya, positibo ang Malaysia sa pakikipagtulungang pinansyal sa Tsina. Sinabi niyang nakahanda ang Malaysia na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa at ng Tsina at ASEAN, sa mas mataas na antas.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino