ASEAN Summit, nagpokus sa kooperasyong panloob at panlabas

2016-09-08 13:30:58 CRI

Vientiane, Laos—Mula noong ika-6 hanggang ika-7 ng Setyembre, 2016, idinaos dito ang ika-28 at ika-29 ASEAN Summit. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga lider ng 10 bansang ASEAN na palakasin ang kooperasyong panloob, pasulungin ang konstruksyon ng ASEAN Community, at pahigpitin ang relasyon ng ASEAN sa mga dialogue partner at komunidad ng daigdig.

Sa ika-28 ASEAN Summit nitong Martes, tinalakay, pangunahing na, ang kaunlarang panloob ng ASEAN. Tiniyak sa pulong ng mga lider ang target ng pag-unlad sa hinaharap na pasusulungin ang ASEAN Community, lalong lalo na, ipapatupad ang "Ekspektasyon ng ASEAN Community Hanggang Taon 2025" at tatlong blueprint ng komunidad ng pulitika at seguridad, komunidad na ekonimiko, at komunidad na panlipunan at pangkultura.

Pinagtibay sa pulong ang maraming dokumentong pangkooperasyon sa mga aspektong gaya ng connectivity, pagpapasulong sa kalakalan, pag-unlad ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal, kooperasyon sa pamanang pangkultura, pagpigil sa likas na kapahamakan at pagliligtas, sustenableng pag-unlad, konstruksyon ng imprastruktura at iba pa.

Sa ika-29 na ASEAN Summit noong Miyerkules naman, nagpokus ito sa kooperasyon sa labas ng ASEAN. Sinang-ayunan sa pulong ang pagpapalakas ng kooperasyong panlabas sa pamamagitan ng mga mekanismong gaya ng 10 1, 10 3, ASEAN Regional Forum, ASEAN Defence Ministers' Meeting (ADMM)-Plus, Summit ng Silangang Asya at iba pa. Binigyang-diin din sa pulong na dapat patuloy na patingkarin ng ASEAN ang namumunong papel sa pabagu-bagong estrukturang panrehiyon.

Sa panahon ng nasabing summit, sumapi ang Chile, Ehipto, at Morocco sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia o TAC, sa gayo'y 35 bansa at organisasyong pandaigdig ang sumapi sa TAC.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino