ASEAN Summit at East Asian Leaders' Meeting, ipininid: Pilipinas, susunod na bansang tagapangulo ng ASEAN

2016-09-08 22:50:04

Sa Vientiane Laos - Ipininid Huwebes, Setyembre 8, 2016, ang tatlong araw na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at serye ng Pulong ng mga Lider ng Kooperasyong Silangang Asyano.

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, na bilang susunod na bansang tagapangulo ng ASEAN, magsisikap ang Pilipinas para ibayo pang mapalakas ang konstruksyon ng komunidad ng ASEAN, at mapataas ang katayuang pandaigdig ng ASEAN.

Samantala, sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos, na sa serye ng pulong, nagkaroon ng komprehensibo, matapat, at mabungang talakayan ang mga lider ng iba't-ibang bansa. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa ibinigay na tulong ng iba't-ibang bansa at mga dialogue partner sa panahon ng panunungkulan ng Laos bilang bansang tagapangulo ng ASEAN.

Sa isang news briefing, sinabi ni Thongloun Sisoulith na sa ASEAN Summit, isinagawa ng mga lider ng mga bansang ASEAN ang malawakang talakayan tungkol sa pagsasakatuparan ng "Prospek ng Komunidad ng ASEAN sa 2025" at pagpapalakas ng relasyon at pakikipagkooperasyon sa ibang bansa. Sa pulong ng mga lider ng 10+1 naman, buong pagkakaisa aniyang sinang-ayunan ng mga kalahok na lider, na sa pundasyon ng mutuwal na kapakinabangan, palalakasin ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan, lalong lalo na, sa mga aspektong gaya ng kalakalan, pamumuhunan, konektibidad, at pagpapalitang di-pampamahalaan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino