Kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN laban sa pagpupusilit ng droga, pinapahigpit

2016-09-09 10:42:18 CRI

Sa Jinghong, kalunsuran ng lalawigang Yunnan, Tsina-Sinimulan dito Setyembre 8, 2016 ang 3 buwang pakikibaka sa pagpupuslit ng droga, na magkasamang isasagawa ng Tsina, Laos, Myanmar, Thailand, Kambodya at Biyetnam.

Ayon sa kasunduang narating ng nasabing 6 na bansa, ang aksyon nila laban sa droga sa taong 2016 ay may dalawang yugto. Ang Thailand ang mamumuno ng aksyong ito sa unang yugto, at ang Tsina naman ang mamumuno sa ikalawang yugto.

Ayon sa ulat, sa susunod na tatlong buwan, ibabaha-bahagi ng 6 na bansa ang mga katugong impormasyon, at magkasamang isasagawa ang paglaban sa droga. Ito ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pagtutulungan ng mga bansa sa Mekong Sub-region sa larangan ng seguridad at law enforcement, at pagbibigay-dagok sa transnasyonal na pagpupuslit ng droga sa lugar na ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino