Mga PM ng Tsina at Laos, nagtagpo: 20 kasunduang pangkooperasyon, nilagdaan

2016-09-09 11:30:34 CRI

Mga PM ng Tsina at Laos, nagtagpo: 20 kasunduang pangkooperasyon, nilagdaanNagtagpo Huwebes, Setyembre 8, 2016, sa Vientiane, Laos, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at kanyang counterpart na si Thongloun Sisoulith ng Laos.

Sinabi ni Li na ang pagkakaibigan at mga kooperasyon ng Tsina at Laos ay nakakabuti, hindi lamang sa kanilang mga mamamayan, kundi maging sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong Asyano.

Sinabi ni Li na nakahanda ang panig Tsino, na pahigpitin, kasama ng Laos, ang kooperasyon sa iba't ibang larangan na gaya ng kakayahan sa pagpoprodyus, pamumuhunan, agrikultura, kalakalan, kultura, turismo, edukasyon at seguridad.

Sinabi naman ni Thongloun Sisoulith na mabunga ang mga kooperasyon ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, nakahanda ang Laos na patuloy na likhain ang magandang kapaligiran para sa mga kooperasyon ng dalawang bansa.

Pagkatapos ng kanilang pagtatagpo, lumagda ang mga pamahalaan ng Tsina at Laos sa 20 kasunduan ng kooperasyong may kinalaman sa industriya, kalakalan, pamumuhunan, teknolohiya, at edukasyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino